Hating gabi na nang umuwi kami ni Lucas. We both stayed in his car for almost one hour. Doon na kami nagpapalipas ng oras. Walang ibang ginawa kung hindi ang maghalikan lang nang maghalikan. Mommy welcomed me with a wide smile. Gusto pa sana niyang patuluyin si Lucas sa bahay pero ako na mismo ang umayaw at nagsabi na huwag na. We already spent time and I think that's enough. Saka pagod na rin kami kaya kailangan nang mamahinga nang ganito kaaga. Dumitetso ako sa kuwarto at natulog pagkarating sa bahay. Kinabukasan, late na akong nagising. Kung hindi lang tumunog ang phone ko ay hindi ako makakagising nang ganitong oras, alas 10 at baka lalagpas pa 'yon. "Good Morning," I answered unlively. Ni hindi ko nga tiningnan kung sino ang nakalagay na pangalan sa phone ko bago ko ito sinago