Kumain akong tahimik sa cottage. Alas dyes na nang umaga kaya saktong gutom na rin ako. Mahigit isang oras din kaming bumabyahe ni Andra from Cebu patungo dito sa north. Saka masyado ring nakakagutom ang mga pinaggagawa ni Lucas kanina sa beach. Ilang beses nagtama ang mga paningin namin ni Lucas. Ako na mismo ang umiwas doon dahil tiyak na magdududa na naman ang mga 'to sa'min lalo na kapag nakitaang may kung anong namamagitan sa aming dalawa. I just keep on listening their conversation. Kadalasan ay mga babaeng hindi ko naman kilala ang pinag-uusapan ng mga Montemayor pwera na lamang kay Lucas at Enzo. Tahimik si Enzo na sinusubuan ni Andra habang si Lucas ay ewan ko kung bakit tahimik. "Bro? Saan ka ba kanina? Sayang, may ipakilala pa naman sana kami para sa'yo. Perfect for your ta