Chapter 33 Jazmine's POV Naglakad ako upang makalapit sa resthouse pero parang hindi naman ako lumalayo sa kinatatayuan ko. Parang napakalayo ng resthouse? Yung tipong parang hindi naman ako naglalakad? Biglang may dalawang babae at lalakeng lumabas. Mag asawa? Parang. Buntis yung babae at parang manganganak na sya. Maya maya pa ay may lumabas na bata sa kanilang likuran. Lalake. May hawig sya. Yung lalake sa birthday party at yung...tito ko. Does it mean na si mama yung nasa loob ng tyan nung babae? Nag iba nanaman ang settings at napunta naman ako sa loob ng resthouse. May masayang kumakain na pamilya na yung mga tao ay yung nakita ko kanina na nadagdagan ng isa. Isang babae na alam kong si mama. Malaki laki na sila. Mukhang nasa 13? 14? Na ang taon. Matanda na sila Lola a