Chapter 35 3rd Person's POV Nasa bahay na ngayon si Jazmine matapos nyang makapag pahinga sa hospital. Si George naman ay okay na ang pakiramdam at bumalik na sa dating katinuan. Si Hansel? Ayun, nangliligaw kay Jazmine. Si Jazmine naman ay may lihim naring pagtingin sa binata. Hindi na nga pala inungkat ni Jazmine pa ang nakitang scenario sa resthouse. Hinahanap ni Jazmine ngayon ang mga papeles na kanyang nakuha dahil naalala nya iyon kani-kanina lamang. Kung saan saan na sya naghanap ngunit wala paring syang nakita. Napagpasyahang nyang tanungin si Manang Loyda dahil nagbabakasakali syang nakita nito ang mga papel. Pagkababa nya sa kanyang silid ay nakita nya kaagad ang naghahain para sa tanghalian na si Manang Loyda. "Manang Loyda? Pwede ho bang magtanong?" Nagulat naman si