Chapter 42 JAZMINE's POV Lumipas pa ang ilang araw at wala namang nangyayareng masama. Sa katunayan nga eh nandito kami ngayon sa MOA at namamasyal. Syempre, kasama ko sila dad, hon, at ang aking anak na si Hershey. Hindi narin pa nagpakita pang muli si Jaicee simula nung huli naming pagkikita sa c.r Wala akong pinagsabihan kahit isa. Hanggang ngayon, hindi ko ikakailang may nararamdaman parin akong kaba. Alam kong may kakaiba syang nais iparating. Parang may nararamdaman syang masama. "Mommy! Daddy! Lolo! Doon tayo!" Ani Hershey sabay turo roon sa toys station. Nagpunta naman kami doon at naglaro. "Wow! Ang galing naman ni apo!" Sabi ni papa ng maka-kuha si Hershey ng isang teddy bear. "Lolo! Gusto ko po iyon!" Sabay turo nya sa isang malaking teddy bear pa. Parang babae. Ang ha