Chapter 19 .Joseph's POV Nandito ako ngayon sa di kalayuan sa bahay ng mga sandoval. Sa pwesto kong ito. Ito ang pinagsisisihan ko. Bakit sya ang napatay ko? Bakit sya? Hindi dapat ang anak ko ang napatay ko. Nagkamali ako. Nagkamali. Maling mali ang ginawa ko. Humanda ka Jazmine. Dahil sisiguraduhin namin ng mga anak ko. Na mamamatay din kayo ni George. Medyo nagagalit ako sa isa kong anak dahil pinatay nya si Joana. Si Joana na mahal ko. Mahal na mahal. Tao pa sya. Hindi pa sya kagaya namin na multo na at namamalagi pa sa mundong ito. Pero kilala na nya kami. Paano? Dahil sa paraang kami lang ang nakakaalam. Wala kang magagawa Anne. Wala. Dahil hinding hindi ka na ngayon makakalabas sa sumpa ng nakaraan hanggang sa hindi pa ulit nabubuhay ang sakitang Blodliness.