Chapter 23 Jazmine's POV Umaga na ulit ngayon at inaayos ko na yung mga gagamitin ko papuntang resthouse nila mama. Hindi ko parin lubos maisip na tito ko pala si Joseph? Kaya ba lagi na lang akong nakakakita ng pangalan nya? Kahit na sa panaginip ko? Tyaka sino yung lalakeng nakita ko nung birthday namin ni Jaicee? May kinalaman din ba yun sa pamilya namin? *sigh* Napabuntung-hininga na lamang ako dahil sa napakadami kong katanungan. Ano kaya yung itsura nung resthouse? Medyo nagagalit ako kay papa kasi pinatay nya si mama at tito Joseph pero alam kong si Joana lang ang may gusto non. Kaya kung sino man ang pumatay kay Joana ay nagpapasalamat ako sa kanya. Nakakapagod ng maging mabait. Minsan kailangan mo ring lumaban. Yan na ang nasa isip ko ngayon. Matapos kong magisip ng k