Chapter 4

774 Words
Chapter 4 Joana's POV Flashback Gabi gabi na akong nakakadinig ng bumubulong na isang lalake sa kung saan at kung minsan naman ay babae. Hindi ko na malaman kung ano ang nangyayare sakin ngayon. Minumulto ba ako? Minsan kong narinig ang tungkol sa kambal at kung bakit daw ba damin kinuha si Jazmine sa kanila. Hindi ko maintindihan yung mga nangyayare ngayon dahil wala akong alam sa nangyayare. Hindi parin tumitigil ang pagsasalita ng ganon sa tuwing ako ay matutulog o di kaya ay mag isa lang kaya pinagpasyahan ko na nasabihin kay George ang tungkol sa nangyayare pero hindi naman sya naniwala sakin kaya kinumkum ko nalang ang mga bawat naririnig ko tuwing gabi. Pupunta sana nakong kusina ng may maaninag akong isang pigura ng lalake at babae. Nanlalake ang mga mata kong napatingin sa kanila dahil para silang mamatay tao. Yung babae ay nakaputi na may mga dugo at yung lalake ay may hawak na kutsilyo. Napako ako nun sa kinatatayuan ko at mas lalong nagulat ng bigla bigla na lang silang nasa harapan ko na kagad at nakatutok sakin ang kutsilyo. Hindi ako makagalaw nung time na yun kahit gustuhin ko man dahil parang nawalan ako ng lakas sa di malamang dahilan. Unti unting lumalapit sa leeg ko ang hawak na kutsilyo ng lalake ng bigla akong napadilat. Panaginip. Panaginip lang pala ang lahat pero bago pa man ako magising ay may naalala akong huling narinig bago bumukha ang aking mga mata. Kukunin ko ang anak ko at sisiguraduhin kong magbabayad kayo. End of Flashback Kukunin ko ang anak ko at sisiguraduhin kong magababauad kayo. Ilang ulit din yang tumatak sa isip ko hanggang sa may mga nagyareng masama,kagaya na lang ng mahulog si Jaicee sa pool ng wala na lang dahilan. Hindi ko alam kung kaya ko bang paniwalaan ang mga nalalaman ko o hindi dahil masyado na itong hindi makatotohanan. Kaya isa lang ang alam kong punot dulo ng lahat ng kababalaghan may roon kami ngayon at iyon ay si Jazmine. Kaya simula noon ay hindi ko na sya pinapansin at kinakausap man lang. Ayokong kausapin ang anak na nagiging punot dulo ng lahat ng mga masasamang bagay na nangyayare pero habang hindi ko pinapansin si Jazmine ay mas lalong lumala ang mga napapaniginipan ko. Flashback Bakit nyo pinababayaan ang anak ko? Yan lang ang mga salitang lagi naring sumasagi sa isip ko. Wala syang pakialam kung pabayaan ko ang batang yan o anak nya dahil wala syang karapatang maging masaya dahil sya ang punot dulo ng lahat ng nangyayare samin ngayon. Pero kung hindi din naman talaga nag anak sa iba yang si George di sana walang magmumulto samin ngayon na walang iba kung hindi ang nanay ni Jazmine. Ngunit nung mga nakaraang araw pa ay nagiiba na ang mga nasasagi sa isip ko na lalong nakakapagbigay sakin ng matinding takot at kaba. Papatayin namin ang anak mo! Yang mga salitang yan ang hindi maalis alis sa isip ko. At ang pinagtataka ko ng bigla na lang magbago ang nagpaparamdam samin na kung dati ay ang tunay na ina ni Jazmine ay ngayon naman ay ang kanyang tito. End of Flashback Hindi ko lubos maisip na sa isang pagkakamali lang ng aking asawa ay hahantong na sa dito ang lahat. Sinabi ko na sakanya yung tungkol sa nagpaparamdam sakin pero binabalewala nya lang ito at sinasabing hindi daw yun totoo. Pero anong nangyayare samin ngayon? Eto nag aagaw buhay si Jaicee at hindi ko alam kung patay na talaga. Ayokong maniwala sa sinasabi ng doktor na patay na ang anak ko! Hindi ako sigurado sa pumatay kay Jaicee dahil ang natitiyak ko lang ay may kinalaman dito ang mga nagpaparamdam sakin pero bakit si Jazmine ang nadatnan ko dun at may dugo sya sa kanyang kamay kaya maaari ring sya ang may sala! Pag nalaman kong sya talaga ang may sala! Humanda sya sakin dahil hindi nya alam ang magagawa ko sa kanya. Hindi ko kayang tanggapin ang mga nangyayare ngayon. Hindi ko pa kayang paniwalaan ang mga nangyayare ngayon. Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang mga pagsubok na dadating samin sa isang pagkakamali lang. At ang katotohanang ngayon ko lang napagtanto na patay na talaga si Jaicee. At humanda ang may sala sa gumawa sa anak ko! Naiinis ako kay George! Kung hindi lang kasi sya nagpadala sa malanding babae na yun 'de sana walang nangyayare samin ganto ngayon! Pero bat hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ko? Kahapon bago ang kaarawan ng kambal ay may isang salita akong hindi nakalimutan at ngayon ay nangyayare na sa harapan ko. Mamamatay na ang anak mo ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD