Chapter 10 Jazmine's POV Nakatingin parin ako sa madugong sulat na nakasulat sa papel na nalaglag kanina. Bloodliness Hindi ko maintidihan kung ano at kung sino ang nag bigay nito. Nililibot ko ang tingin ko sa buong kwarto na ito ngayon at tinitignan kung may makikita ba akong ulit na anino or multo. Hindi ako naniniwala sa mga multo multo thingy na yan pero iba na to eh! May nagpapakita na talaga sa akin at ang malala ay parang may kinalaman pa sa pagkatao ko! Ang dami ko paring tanong! Kagaya na lang kung bakit parang bigla na lang naging malambot yung expression ni papa kanina nung nakita nya akong sinasampal ni mama. Nakakapagtaka lang kasi na bigla bigla na lang syang nag alala sa akin. Sino yung lalaki sa panaginip ko? Sino yung pumatay kay Jaicee? Sino yung nagbigay n