Chapter Ten
"May ganito ka palang sasakyan bakit hindi ito ang ginamit natin kahapon?" usisa ko sa tiyuhin ko na siyang nagmamaneho. Hindi man lang ako pinansin. Hindi man lang sinagot ang tanong ko. Napakasungit talaga. "Saan tayo pupunta, Uncle Grey? Maganda ba roon sa pupuntahan natin?"
Sunod-sunod ang tanong ko pero hindi man lang sinagot kahit isa.
"Tsk." Humalukipkip ako. "Bibili na nga lang ako ng kausap."
"Wala kang pera," sagot ng lalaki.
"Kainis!" pinalo ko ang hita nito na ikinaigtad nito. "Masama talaga ang ugali mo, Uncle Grey."
"Don't do that. Nagmamaneho ako."
Inirapan ko lang ito bago nag-focus sa bintana ang tingin.
"Uncle," at hindi rin nakatiis. "Hindi pa ba tumawag sina mommy at daddy? Kailan ko pwedeng makuha ang phone ko sa 'yo? Chine-check mo ba kung may mga---"
"Cleo..." may diing bigkas nito sa pangalan ko. "Pwede bang kapag magtatanong ka ay isa-isa lang? Pwede bang hayaan mo munang sagutin ko ang una mong tanong? Ang daldal mo!" asik nito sa akin.
"Okay. Answer mo na iyong una kong tanong."
"Tumawag ang parents mo. Kinamusta ka---"
"Nasabi ba nila when nila ako susunduin dito? I miss them na. I wanna go home na---"
"Cleo... shut up."
Napanguso ako at muling ibinaling ang tingin ko sa bintana.
Grabe naman. Konting tanong lang, tapos nagsusungit agad si Uncle.
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang bumagal ang sasakyan. Napatingin ako sa labas nang mapansin kong unti-unting nagbago ang paligid. Mula sa malapad na kalsada, napalitan iyon ng isang mas makitid na daan na napaliligiran ng matatayog na puno at luntiang damuhan.
"Where are we?"
Hindi na ako naghintay ng sagot.
"Uncle Grey, are we there?"
Tahimik.
"Uncle Grey?"
"Almost."
Isang salita.
Finally.
Napangiti ako nang kaunti bago muling sumilip sa bintana.
Makalipas ang ilang minuto, isang malaking gate ang bumungad sa amin. Bumukas iyon nang makita kami ng isang lalaking nakasuot ng uniporme. Pumasok ang sasakyan sa isang malawak na property na halos puro damuhan, puno at iba't ibang halaman ang makikita.
"Wow..."
Napadikit ang mukha ko sa salamin.
"Kaninong farm ito, Uncle Grey?"
Hindi na naman sumagot si Uncle Grey.
Napairap ako.
Nang tuluyang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay, agad akong nag-unbuckle ng seat belt.
"Finally!"
Bumaba ako ng sasakyan at huminga nang malalim. Mas malamig ang hangin dito kaysa sa Maynila. May kakaibang amoy din—parang damo, lupa at mga halaman.
"Ang ganda naman dito..."
Habang abala ako sa pag-iikot ng tingin, may narinig akong yabag mula sa may gilid ng bahay.
Napalingon ako.
At bigla akong natigilan.
May isang lalaki na papalapit sa amin.
Tall.
Broad shoulders.
Naka-puting shirt lang siya na nakatiklop ang manggas hanggang siko, at bahagyang gusot ang buhok na para bang kakagaling lang niya sa labas. Hindi ko man alam kung sino siya, pero isang bagay ang sigurado—
Pogi siya.
As in, sobrang pogi.
Bahagyang nakakunot ang noo niya habang nakatingin kay Uncle Grey, pero nang mapunta ang tingin niya sa akin, bahagya itong nagbago.
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.
Sino naman kaya siya?
Napalingon ako kay Uncle Grey at bahagyang yumuko para hindi marinig ng lalaki ang itatanong ko.
"Uncle..." bulong ko rito.
"What?"
"Sino iyong poging lalaki na—"
"Cleo."
Mabilis na napunta sa akin ang matalim nitong tingin.
Napakurap ako.
"What?"
"Behave."
"Ano naman ang ginawa ko?"
"Just behave."
Napabuntong-hininga ako at napatingin ulit sa lalaki.
Pero dahil sinabi na ni Uncle Grey na mag-behave ako, pinilit kong pigilan ang ngiti ko.
Kahit gusto ko pa ring malaman kung sino siya ay mas pinili ko na lang manahimik muna.
"May kasama ka, Grey?"
"Tsk. She's my niece, Anton. Off-limits."
Napakamot sa ulo ang lalaki. Lintik na tiyuhin ito. Ang pogi pa naman ng friend nito tapos pinagbawalan lang nito ng gano'n ang kaibigan nito? Paano kung type pala ako ng gwapo niyang friend? Sayang!
"Pasok kayo. Nagpaluto ako ng pansit kay Manang. Alam kong favorite mo iyon," ani ng lalaki.
Gusto ko sanang ngitian si Anton pero nang maalala kong sinabi ni Uncle Grey na off-limits ako at hindi na talaga ito tumingin sa akin, pinilit kong ayusin ang mukha ko.
Grabe naman kasi.
Pogi na nga, bawal pa.
Sumunod ako kay Uncle Grey papasok sa property habang si Anton naman ay naunang maglakad. Habang naglalakad, hindi ko napigilang libutin ng tingin ang paligid.
Mas lalo kong napansin kung gaano kaganda ang farm.
Hindi ito iyong tipong malawak na hacienda na puro taniman at mga trabahador ang makikita. Mas tahimik dito. Mas relaxed. Parang ginawa talaga para takasan ang ingay ng siyudad.
May mga malalaking puno sa magkabilang gilid ng daan. May mga namumungang puno ng mangga, calamansi, papaya at iba pang prutas. May ilang tanim na nakahanay nang maayos sa malayo, habang may mga bulaklak naman na nakatanim sa paligid ng mga bahay.
"Ang ganda..." bulong ko.
Hindi ako sanay sa ganitong lugar.
Sa Maynila, puro building, sasakyan at mga taong nagmamadali ang nakikita ko. Dito, kahit saan ako tumingin, puro green.
Napatingala pa ako nang makita ko ang isang magandang kubo.
"Wow!"
Halos mapatakbo ako roon pero agad kong narinig ang boses ni Uncle Grey.
"Cleo."
"Okay na, okay na."
Huminto ako at naglakad nang maayos.
Ang kubo ay hindi iyong simpleng kubo na iniisip ko. Malaki iyon, gawa sa kahoy at may malawak na terrace sa harap. May mga upuang kawayan at isang mahabang mesa sa gilid. May mga halaman ding nakasabit sa paligid kaya mas lalong naging cozy ang itsura.
Sa di kalayuan, may isa pang malaking bahay na dalawang palapag.
"May kapitbahay ka rito?" tanong ko.
"Main house iyon," sagot ni Anton na biglang nasa likuran na pala namin.
Napalingon ako sa kanya.
"Ah."
Ngumiti siya nang kaunti.
"At iyong kubo?"
"Para sa guests. Minsan dito ako tumatambay."
Napatingin ako sa kubo.
"Ang sarap tumambay dito."
"That's why I built it."
Napatingin ako kay Uncle Grey. Salubong na naman ang kilay nito.
Ano bang problema ng masungit kong Uncle? Mabilis talaga itong tatanda dahil parang pasan nito ang lahat ng problema sa mundo.
Mas maliit itong lugar na ito.
Kung ikukumpara sa hacienda ni Uncle Grey, parang maliit lang talaga ang farm na ito. Pero hindi ibig sabihin noon na kaunti ang laman.
Sa dami ng puno at tanim na nakikita ko, mukhang kahit ilang araw akong manatili rito ay may bago pa rin akong matutuklasan.
"Marami kang prutas dito?" tanong ko.
"Marami."
Biglang nagningning ang mga mata ko.
"Anong prutas?"
"Kung ano-anong prutas na ang naitanim ko. Marami na rin ang namunga."
"May rambutan?"
Natahimik si Anton sandali bago tumango.
"Meron."
Napangiti ako.
"Favorite ko iyon."
"Rambutan?"
"Yes!"
"Wait."
Tumalikod siya at tinawag ang isa sa mga tauhan na malapit sa kubo.
"Kuha kayo ng rambutan. 'Yong hinog."
Napakurap ako.
"Talaga?" excited kong bulalas.
"Yup."
"May lansones din?" tanong ko agad.
Napatingin sa akin si Uncle Grey. Inangatan ako nito ng kilay.
"Cleo."
"What? Nanghihingi lang naman ako."
Bahagyang natawa si Anton.
"May lansones din."
"Can I have some?"
"Kuha rin kayo ng lansones."
Napangiti ako nang malaki.
"Thank you!"
"You're welcome."
Ngumiti rin siya bago muling naglakad patungo sa kubo.
Sinundan ko siya ng tingin nang ilang segundo.
"Cleo."
Napalingon ako kay Uncle Grey. Nananawag ang bigkas nito sa pangalan ko.
"What?" painosente kong tanong dito.
"Behave."
Napairap ako.
"Behaved naman ako."
"You're staring."
"May mata naman ako."
"Cleo."
"Fine."
Pumasok na ako sa kubo bago pa niya ako pagalitan ulit.
Pagpasok ko, agad akong napangiti nang makita ang nakahandang pagkain sa mesa.
May malaking serving dish ng pansit. May puto sa isang plato at may dalawang pitsel ng fresh juice na may yelo.
"Wow!"
Umupo agad ako.
"Ang bango."
"Favorite ng Uncle Grey mo iyan. Try it. Baka magustuhan mo rin," sabi ni Anton.
Napatingin ako sa kanya.
"Thank you. Ruth, kain tayo," yaya ko rito.
Kumuha ako agad ng pansit at nilagay sa plato ko. Pagkatapos ay kumuha rin ako ng dalawang puto.
"Slow down," puna ni Uncle Grey.
"Nagugutom ako."
"Parang hindi ka pinapakain."
"Pinapakain naman. Pero gusto kong i-try ito. Why so sungit ba? Baka you're gutom? Kain ka rin."
Umiling siya pero hindi na nagsalita.
Habang kumakain ako, napatingin ako sa labas ng kubo.
Mas maganda pala ang view mula rito.
Tanaw na tanaw ang taniman. May mga hanay ng puno na maayos ang pagkakatanim at may ilang bahagi naman na parang natural lang na hinayaan nilang lumago. Sa pagitan ng mga puno ay may maliliit na daanan.
May ilang taong nag-aalaga ng mga halaman sa malayo, pero hindi ganoon karami.
Tahimik.
Presko.
At sobrang layo sa buhay na nakasanayan ko.
"Ang ganda talaga rito," sabi ko habang umiinom ng fresh juice.
"That's why I keep it."
Napatingin ako kay Anton.
"Never mo siyang gagawing malaking farm?"
"Probably not."
"Why?"
"Because once it becomes business, it won't feel like this anymore."
Napatingin ako ulit sa taniman.
May point siya.
"Mas gusto mo iyong ganito lang? Mas malaki iyong sa Uncle mo. Hacienda iyon. Millions ang kinikita no'n."
"Yes. Mas gusto ko rito. Mas maganda rito," napangisi pa ako. Sabay tingin kay Uncle na muli rin akong inirapan. "I like it."
Ngumiti si Anton.
"Then you're welcome to visit anytime."
Muntik akong mapangiti nang malaki pero bigla kong naalala ang warning ni Uncle Grey.
Off-limits.
Kaya uminom na lang ako ng juice at nagkunwaring walang narinig.
Pero nang ilang sandali ay may narinig akong tawag mula sa labas.
"Sir Anton! Nakuha na po namin!"
Agad akong napatingin.
May dalawang tauhan na papalapit sa kubo. May dala silang basket na puno ng pulang rambutan at isa pang basket ng lansones.
Napanganga ako.
"Ang dami!"
Tumayo ako agad.
"Can I see?"
"Go ahead," sabi ni Anton.
Lumapit ako sa basket at isa-isang tinitigan ang mga rambutan.
Bagong pitas.
Pinulot ko ang isa at ngumiti.
"Fresh talaga."
"Kumain ka."
"Pwede?"
"Of course. Pinakuha ko para sa 'yo," kinindatan pa ako ng lalaki.
Sinubukan kong balatan pero hindi kaya ng kuko ko kaya lumapit ako kay Uncle Grey at iniabot ang isang piraso. Tinanggap naman nito at binalatan sabay bigay sa akin.
Nang tikman ko...
Napapikit ako sa sarap.
"Ang tamis!"
Napatingin si Anton sa akin at natawa.
"Matamis talaga iyan. Nagustuhan mo ba? Kung gusto mo pa'y pwede kang bumisita rito---"
"Shut up, Anton. Tigilan mo ang pamangkin ko," masungit na ani ni Uncle Grey sa kaibigan niya.
"Parang gago," tawang-tawa na bulalas ni Anton sa kanyang kaibigan
Kumuha pa ako ng isa.
At isa pa.
Hanggang sa mapansin kong nakatingin sa akin si Uncle Grey na siyang tagabalat ko.
"What?" painosente kong tanong dito.
"Nothing."
"Then stop looking at me."
"You're going to finish the whole basket."
"Of course not."
Mukha ba akong matakaw? Medyo lang naman.
Kumuha ako ng isa pang rambutan.
"Half lang."
Umiling siya.
Pero tuloy lang naman siya sa pagkalat at bigay sa akin.
Nang nabusog ako sa prutas ay binalikan ko rin naman ang pansit. Si Ruth ay tamang kain lang din ng pansit.
"Wait! Kunin ko lang iyong kailangan mo, Grey," paalam ng lalaki at umalis.
"Psst!" sitsit ko kay Uncle. Agad itong tumingin. Pero salubong pa rin ang kilay.
"Single ba si Anton?"
"It's Uncle Anton for you, Cleo. Magtigil ka."
"Uncle Grey, your sagot is so malayo sa question ko. Hays."
Umiling-iling pa ako. Uncle? Damn! Lahat ba ng mga gwapong kaedad ni Uncle Grey ay kailangan ko ring tawaging Uncle? That's... that's sucks.