"Hey, what?!" singhal ni Joaquin sa kaibigang si Nikko.
"Anong what?" maang na tanong naman nito.
"What are you doing in my room and why are you staring at me like that?" Kanina pa kasi niya napapansin ang mga tingin na iyon sa kaniya ng kaibigan na tila ba nang-aasar.
"Wala lang, ang laki kasi nang problema mo eh," natatawang sabi nito.
"And so? Ang laki na nga ng problema ko nakuha mo pa akong tawanan," inis na sabi niya, kahit kailan talaga ang kaibigan niyang ito ay wala nang ginawa kung hindi ang asarin siya.
"Tama naman kasi 'yung babaeng 'yon. What's her name again?"
"Eunice," walang ganang sagot niya.
"Yeah, Eunice. I'm in favor of her, kahit na magkaibigan tayo ay hindi kita kakampihan sa pagkakataong ito. Sino ba naman kasing tanga ang magpo-propose sa maling babae? Nagkasya nga ang singsing tapos hindi naman maalis sa daliri. Natural, hindi naman kasi sa kaniyang sukat ng daliri iyon kung hindi kay Madeline."
"So what are you trying to imply, na tanga ako ganu'n ba?" nang-aarok na tanong niya.
"Yes, tanga ka! Hindi mo man lang kasi tiningnan muna kung si Madeline nga ba ang kaharap mo o hindi, basta ka na lang nagpo-propose," may halong paninisi na sabi ni Nikko.
"Malay ko ba na may ibang babae na lang na biglang e-eksena. I leave Madeline in the same spot where that girl is. I told her to wait for me, hindi ko naman alam na umalis pala siya roon para hanapin ako."
"Wala na tayong magagawa, nangyari na ang nangyari, nasira na ang plano mong marriage proposal, tapos ang singsing na binili mo para sana kay Madeline ay naibigay mo pa sa iba. So how is she now? Kinakausap ka pa ba niya?"
Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Joaquin. "No. After what happened, he never talk to me. Block na ako sa lahat ng social media account niya pati sa phone niya ay naka-block na rin ako. According to my source after niyang mag-concert sa Spain at nagtungo naman siya sa London para sa shooting ng music video niya. I am planning to follow her in London, hindi lang ako makaalis dahil hinihintay ko ang singsing. Kailangan kong mabawi muna ang singsing sa babaeng iyon bago ako umalis."
"Tsh! Bakit hindi mo na lang hayaan sa kaniya 'yun? Barya lang naman sa'yo ang halaga ng singsing na 'yon. Do you think after what happened, tatanggapin pa ni Madeline ang singsing na sinuot na ng iba? Lalo lang siyang magagalit sa'yo, tol."
Hindi nakaimik si Joaquin.Tama ang kaibigan niya, wala naman talaga sa kaniya ang halaga ng singsing na 'yon, kaya lang para sa kaniya ay hindi naman deserve ng babaeng iyon ang singsing niya. In the first place hindi naman niya kilala ang babaeng iyon. Kung hindi tatanggapin ni Madeline ang singsing, mas mabuti pang ibigay na lang niya iyon sa pinsan niyang si Elvi. Mas mapapanatag pa ang kalooban niya kaysa mapunta sa babaeng iyon na wala naman kinalaman at ambag sa buhay niya.
-
Umalis si Roman, may kikitain daw itong kaibigan, hindi isinama si Eunice, dahil baka magsumbong iyon sa asawa ni Roman at malaman pang magkasama sila sa Paris. Siguradong kahit nasaan pang lupalop sila ng mundo ay susugurin sila ng dragonesa nitong asawa.
Habang naliligo si Eunice ay ginawa niyang lagyan ng sabon ang kaniyang daliri, sinubukan niyang ikutin ang singsing para matanggal. Napakislot siya nang umikot ang singsing at dire-diretso bumaba sa daliri niya. Kung wala lang siya nasa banyo at madulas ang sahig dahil tiles ito at may mga umaagos na sabon ay kanina pa siya naglulundag sa tuwa. Para siyang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Siguro kaya natagal ang singsing ay dahil na rin sa sinubukan niyang mag-diet ng ilang araw. Naisip kasi niya na kung mababawasan ng konti ang timbang niya ay baka sakaling pati ang daliri niya ay pumayat din.
Hinugasan niya ang singsing at maingat na ipinatong sa lababo. Nagmadali siya sa paliligo. Sa isip niya ay kailangan niyang tawagan agad ang aroganteng lalaking iyon at ipaalam dito na natanggal na ang singsing sa daliri niya.
Mabilis siyang nagsabon ng katawan at nag-shampoo ng buhok, itinapat niya sa shower ang sarili para banlawan ang katawan niya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. May ugali siyang hindi na ipinagpapabukas pa ang mga gawain kung pwede namang gawin ngayon, dahil ayaw niyang nagkakapatong-patong ang mga ito at maii-stress lang siya.
Nakabihis na siya at kasalukuyang naka upo sa gilid ng kama. Hawak niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numero na ibinigay sa kaniya ng aroganteng lalaki. Naka ilang dial na siya ay out of coverage area naman ito.
-
Samantalang ng mga oras na iyon ay nasa airport na si Joaquin. Nakapagdesisyon na siyang umalis at sundan ang nobya na si Madeline sa London. Hinayaan na muna niya ang tungkol sa singsing, may number naman siya ni Eunice at address nito sa Pilipinas. In two weeks time ay uuwi siya sa kanilang bansa para magbakasyon, at saka na lamang niya hahanapin doon si Eunice para bawiin ang singsing. Ang mas mahalaga sa kaniya ngayon ay ang suyuin si Madeline para magkaayos na silang muli. Mahal na mahal niya ang nobya at hindi niya kakayanin na mawala ito sa buhay niya.
Nakasakay na siya ng eroplano at nagsalita na ang piloto. Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang pag-angat ng kanilang sinasakyan. Naiinis siya sa kaniyang sarili. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari ang ganito? Akala pa naman niya ay masaya silang aalis na magkasama ni Madeline.Ngayon ay namomroblema pa siya kung paano ang kaniyang gagawin para suyuin ito. Hinihiling lang niya na sana ay hayaan siya ng nobya na makapagpaliwanag, hindi iyong basta na lamang siya nitong iiwan at hindi makikinig sa paliwanag niya gaya ng ginawa nito nung una.
"Hmp! Bahala ka na nga sa buhay mo! Kahapon lang ay atat na atat kang makuha ang singsing, tapos gusto mo pa i-update kita. Tinatawagan ka na nga ayaw mo pang sagutin," inis na sabi ni Eunice. Dahil hindi naman niya ma-contact si Joaquin ay inilagay na lamang niya ang singsing sa maliit na pouch at tinago ng mabuti kasama ng iba pang mga accessories niya. Nagpahinga na lamang siya sa hotel at hindi na lumabas, hihintayin na lang niya ang pagdating ni Roman. At saka na siya mamasyal kapag dumating na ang financer niya, ayaw kasi ni Roman na pagkatiwala sa kaniya ang credit card nito. Ang gusto ni Roman ay kasama siya kapag nagsa-shopping at aprubado nito ang mga pinamili niya. Idinaan na lamang niya sa tulog ang paghihintay.