“ITIGIL mo ang kakaiyak mo!” sigaw ni daddy sa akin habang kumakain kami ng almusal. Mabuti na lang at tulog ang anak ko, hindi niya maririnig ang sigaw ng lolo niya. Hinawakan ni mommy ang kamay ko. “Dina, ‘wag ka ng umiyak.” Pinunasan ko ang luha ko. “Bakit hindi n’yo na lang ako hayaan pumili ng gusto kong pakasalan?” Dinuro ako ni daddy. Galit na galit siya, kulang na lang ay suntukin ako. “Anong gusto mo! Piliin ang walang kuwentang ama ng anak mo! Hindi nga marunong mag-desisyon para sa sarili niya!” “Mahal ko si Race.” “Hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao! Dina, ang pag-aasawa ay habang buhay na responsibilidad! Hindi puwedeng mahal mo lang siya. Wala akong nakikita sa lalaki na ‘yan para pumayag ako na maging asawa mo siya!” “Dad, please..” “Kumain ka na!” sigaw niya