“OKAY!” wika ng Daddy ni Race. Palihim akong ngumiti lalo nang makita ko ang pagkadismaya sa mukha ng magulang ni Race. “Good.” Nilagyan ako ng pagkain ni Race sa plato ko. “Kumain ka na,” bulong niya. Ngumiti ako. “Thank you.” Wala na kaming naging imikan habang kumakain kami. Feeling ko tuloy ako ang dahilan kung bakit hindi naging masaya ang dinner nila. “Excuse me, punta lang ako sa restroom,” sabi ko. Tumayo ako at dumiretso sa banyo nila. Ang restroom nila malapit sa kitchen ay katulad ng sa mga Mall maraming cubicle. Marahil sinadya nila ito para sa mga bisita nila. Habang naglalagay ako ng makeup ay biglang pumasok ang mommy ni Race. Hindi ko siya pinansin sa halip ay nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Lumapit siya sa akin at tumingin. “Ilang buwan na kayong magkasintahan ng an