“LAHAT ba talaga ng gagawin mo, gusto mo malaman ng boyfriend mo?” tanong sa akin ng kontrabida kong kaibigan na si Veronica. Nakaupo kaming apat sa may cottage habang sa harapan namin ay maraming pagkain. Lahat kami ay nakasuot ng two-piece bikini kahit nga malaki na ang tiyan ko. Hindi na ako puwedeng sumali sa pa-seksihan pero sa pakapalan ng mukha ay panalo ako. Malakas ang loob kong makipagsabayan sa kaseksihan ng mga kaibigan ko kahit na nga kanina pa ako inaasar ni Tomtom at Joshua. Lumingon ako kay Veronica at inirapan ko siya. “Syempre para malaman niya kung anong ginagawa ko. Gusto kong mainggit siya dahil nag-e-enjoy ako samantalang siya ay bantay sa mommy niya.” “Hmmm… sigurado ka ba na inggit siya sa iyo? Baka naman natutuwa pa siya dahil hindi ka niya kasama,” sagot ni Ver