HERA POV
Nagising ako ng mag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tumawag.
"What!?"
"Hey! Happy birthday! My dearest best friend!" isang matilis na boses ang nagpalayo sakin ng cellphone sa tenga.
Boses ni Kate.
"F*ck, Kate! Ang sakit sa tenga niyang boses mo!" bulyaw ko sakanya pabalik.
"Ito naman. It's your birthday today. Ano plano mo?"
Napadilat ako ng maalala ang birthday ko noon na ni isa walang may paki.
"Hi, Mommy! Daddy! It's my birthday today. May gifts po ba kayo sakin?" abot tenga ang ngiti ko habang papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa.
Tanging iling lang ang ginawa ni Dad at nagpatuloy sa pag-akyat nito sa hagdan. Napabusangot ako at nawala rin agad ng may mainit na kamay ang humawak sa pisnge ko at kay mommy 'yun. Nakangiti siya at may nilahad sakin.
Gift!
"Wow! Is this for me, Mommy?" tumango siya at hinalikan ako sa pisnge.
"Open it, Honey. Mommy brought that for you."
Mabilis akong tumakbo palapit sa sofa at binuksan ang regalo niya. It was a teddy bear! My favorite!
"Wow! I love you mommy!" lumapit ito sakin at hinaplos ang buhok ko.
"For my baby. Lahat ibibigay ni Mommy."
Nabalik ako sa ulirat ng sumigaw si Kate sa kabilang linya. Lintik na babaeng to!
"Ano? Tuloy pa ba tayo?" umaasang tanong niya kaya napaupo ako at tinignan ang teddy bear na bigay ni Mommy sakin nung buhay pa siya.
She died on the day of my birthday. Lalabas sana kaming dalawa nun para kumain ng biglang nawalan ng preno ang kotse at sakto ding may dumaan na malaking truck na bumangga samin.
Swerte ko lang at nabuhay ako. Before we crush into that truck, niyakap ako ni mommy at bumulong na mahal niya ako. And all I know that time, I'm in the hospital.
"Hera?"
Napahawak ako sa mukha ko ng may maramdaman akong basa ng tubig. Umiyak ako.
Nagpunas ako ng pisnge at inayos ang sarili.
"O-Okay. S-Sa arcade tayo."
Mabilis kong binaba ang cellphone at tumayo na para maligo at magbihis. After that day, palagi na akong sinisisi ng pamilya ko sa pagkamatay ni Mommy. Dahil hindi lang daw sa pabigat ako e' ako pa ang dahilan ng pagkamatay ng ina ko.
Walang may gusto, kahit ako. At hindi ko ginusto ang mawala ang kaisa-isang taong nagmahal sakin ng totoo. At si Mommy lang 'yun.
Bumaba na ako ng hagdan at pumasok sa kusina. I saw my brothers who was eating now. Natigil sila at napatingin sakin pero diko binigyan pansin iyon at nagpatuloy sa ref para uminom ng tubig at kumuha ng yogurt.
"We need to talk, Hera." Boses ni Kuya Hedrix ang nagpatigil sakin.
Sinarado ko na ang ref at may mapaglarong ngisi siyang tinignan. As far as I know, ayaw na nila akong makausap pa at lumalapit sakanya. Now, sino ang lumapit? Siya. Nakakataw!
"About what?"
Tinunga ko na ang tubig na nasa bottle at pagkatapos ay nilagay ito sa mesa na kung saan malapit kay Kuya Lenard.
"About your performance on school. Nalaman ko na minsan ka na lang palang pumapasok, at kapag papasok ka palaging gulo ang nadudulot mo."
Tinignan ko siya at ngumisi.
"What? Kaya nga di na ako pumasok diba para walang gulong maidulot ang walang kwenta niyong kapatid?" sarcastic na ani ko at tinusok ng straw ang yogurt na hawak ko.
"Hera!" may pagbabantang tinig ni Kuya Lenox–pangalawa sa magkakapatid.
"Tsh!" asik ko at naglakad palabas. c kusina.
Simula ng mangyari ang araw na 'yun, unti-unti na akong nawalan ng respeto sakanila as my brothers. As if, they care.
"Hera! Kinakausap ka pa namin!" tumigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Kuya Lenox na nasa likuran ko.
"Is that what you learn sa kaibigan mo? Who's that girl again?" huminto ito sa pagsasalita at suminghap.".. Oh! Kate!"
Mabilis kong ikinuyom ang kamao ko dahil sa galit na naramdaman ko ngayon.
"Is that what you learn from her, Hera!? Ang maging bast--"di niya natapos ang sasabihin ng humarap ako sakanya at binato ang tv hudyat ng pagkabasag nito.
Nagulat sila sa ginawa ko at agad ding napatikhim.
"Don't you dare na insultuhin ang kaibigan ko. Dahil wala akong pakialam kahit kapatid ko pa kayo. Kaya kong manakit ng kadugo, huwag lang madamay ang kaibigan ko." Malamig na ani ko at iniwan silang nakaawang ang labi na nakatingin sakin.