LEIGH woke up in the afternoon feeling better. Nagtaka siya nang maramdaman niyang may nakalagay na bimpo sa kaniyang nuo. Nagawi ang tingin niya sa bedside table at nakita niyang may pitcher doon na may lamang tubig. Sinalat niya ang sariling nuo at leeg, wala na siyang lagnat. Hindi kagaya kagabi pagdating niya ay sobrang taas ng lagnat niya. Napahawak siya sa kaniyang nuo dahil may gustong alalahanin ang kaniyang isip pero wala siyang maalala. “Pumunta ba dito si Mikael?” tanong niya. Kapagkuwan tinignan niya ang kaniyang sarili at nakita niyang iba na ang suot niyang damit. Natigilan siya bigla. Alam niyang hindi ito ang suot niyang damit kagabi. Nagpalit siya ng damit bago siya natulog. “Sinong nagpalit sa akin?” Nagtatakang tanong niya sa kaniyang sarili. “Si Mikael ba?” Lumaki