“WOAH! Anong meron?” nagtatakang tanong ni Mikael dahil nasurpresa siya na nakita niyang maraming pagkain sa lamesa at kakaiba ngayon ang apartment niya. There was a Christmas tree in the living room, decorated with Christmas balls. Saka lamang niya na naalala na Christmas na pala. “Merry Christmas.” Nakangiting wika ni Leigh saka niyakap si Mikael at hinalikan sa labi. Ngumiti si Mikael pero kaagad ding nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang may marealized siya. “My love, it’s just twentieth day of December. Ang agad naman yata ng Christmas dinner na ‘to.” Nakagat ni Leigh ang pang-ibabang labi saka nagpaliwanag kay Mikael. “I’m sorry. Since naayos ni Kuya ang tungkol sa kanila ni Flor. Balak na ni Kuya ang bumalik ng Spain at isasama niya si Flor para ipakilala sa pamilya namin.” Mi