FOR the past weeks, Leigh has become busy again. Sa mansyon pa rin sila nakatira na kung saan may masisiguro ni Leigh ang kaligtasan ni Mikael at Ace. Habang abala siya sa Crimson Rose, binibigyan niya ng oras ang pagdisenyo sa bahay na gusto niyang maipatayo. Ipinasyal na siya ni Mikael sa lupa na nabili nito at maganda ang lokasyon. Malawak rin at talagang maipapatayo nila ang bahay na gusto nila. “This is not a house, right?” Mikael asked after he saw the design and layout plan of the house made by Leigh. Ngumiti si Leigh. “It’s just a two-story 5000 square feet mansion.” Sabi niya. “Okay.” Tumango si Mikael. Kapagkuwan tinignan niya ng maigi ang layout na ginawa ng kasintahan. “This will take less or more than a year to build, My love.” Nagkibit ng balikat si Leigh. “Hindi naman ak