“WHERE did you go, Leigh Clemente?” seryosong tanong ni Mikael kay Leigh habang magkaharap silang nakaupo sa may sofa. Napasimangot naman si Leigh nang marinig niya ang buo niyang pangalan na binigkas ni Mikael. Tumingin siya rito. “Galit ka?” tanong niya rito. Umiling si Mikael. “No. But I want to know where you go. And why are you dressed like that?” Nag-iwas ng tingin si Leigh. “Can’t tell you.” Tumaas ang kilay ni Mikael. “Should I punish you then?” tanong niya ulit sa dalaga. Ramdam niya na hindi pwedeng sabihin sa kaniya ni Leigh kung saan man ito pumunta. Kaya naman hindi na niya pinilit pa ang dalaga na sabihin sa kaniya kung saan ito pumunta. Ang mahalaga ay nasa maayos itong kalagayan. “How would you punish me?” tanong ni Leigh. Tumaas ang sulok ng labi ni Mikael saka tuma