NAGTAKA si Mikael nang mapagbuksan niya ng pinto ang Ate Mavielyn niya. Today was the weekend, and he planned to rest since Leigh wasn't here. Nagpaalam ito na bibisitahin daw nito ang anak nito. Actually, absent ito kahapon. Pinayagan niya itong magliban sa trabaho dahil alam niyang namimiss ni Leigh ang anak nito. Sa totoo lang, gusto niya ring makilala ang anak ni Leigh pero nahihiya naman siyang magsabi sa dalaga lalo pa at wala naman siyang karapatang humiling rito ng bagay na 'yon. "Anong ginagawa mo rito, Ate?" Nagtatakang tanong niya. Kaagad na pumasok ang kapatid niya sa loob ng flat niya at umupo sa sofa. "Get ready." "Huh?" Nagtaka si Mikael. "Bakit?" "Magsa-shopping ako. Accompany me." Mikael blew a loud breath. "Ate, balak kong magpahinga ngayon." Tumaas ang kilay ni Ma