Chapter Twenty Three CALOY UNANG beses niyang hinawakan ang kamay ko sa publiko. Unang beses ko ring naranasan ang ganito. Napapangiti lang ako habang naglalakad. Ganito pala ang pakiramdam kapag ipinagmamalaki ka ng taong nagmamahal sayo. Nararamdaman ko ang tunay niyang nadarama sa lahat ng bagay na ginagawa niya. Siya yung tipo ng babaeng hindi showy ng kanyang nararamdaman kapag may kasama kaming ibang tao. Ngunit kapag kami na lang ay malaya niyang nagagawa ang lahat. Isa ito sa mga bagay na gusto ko. Kaya naman kahit pagsungutan niya ako sa harap ng mga magulang niya, sa aming mga kaibigan o kahit kanino pa ay alam kong kaakibat nito ang tunay niyang pagmamahal sa akin. Sabay kaming nagtime-in. May mga taong nakatingin sa amin ngunit hinahayaan na niya. Hindi katulad ng dati.