Chapter Thirty Seven CALOY PAGKATAPOS niya akong yakapin ay agad akong nakadama ng pagpapatawad sa aking puso. Agad din akong nakadama ng pagkakataon na sana ay maging maayos ang lahat kahit pa hindi na maibabalik pa ang dati. Lumabas ako sa Director's Office na may dalang pag-asa na sana pagbalik ko sa baba ay may mangyaring himala. Nakatulala lamang ako habang naglalakad papuntang waiting area. Sila nanay at tatay ay nakaupo lamang sa may mahabang bench habang kinakausap sila ni Lance. Umiiyak si nanay habang si tatay ay nakayuko. Dahan dahan akong lumapit sa kanila at bago pa man ako makarating ay nag-aapura na ang mga nurse maging ang mga doctor sa paghahanda ng kung ano. Agad naman akong lumapit sa isang nurse at tinanong kung ano ang nangyayari. "Miss ano ang nangyayari?"