Chapter Thirteen CALOY MULA kagabi ay wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya. Kahit pa alam kong nagpapapansin siya sa akin sa group chat. Pag-alis ko sa bahay nila ay hindi na ako dumaan pa sa kahit na kanino. Dahilan ko lang yung sinabi kong may dadaanan pa akong kaibigan para hindi na ako magtagal pa sa kanila. Hindi ko kasi maintindihan ang ugali niya. Bigla na lang magbabago ng desisyon tapos ura-uradang sasabihin sa akin. Para bang wala lang sa kanya ang lahat. Kaya binigyan ko ng leksyon. Nagsumbong ako sa kanyang mga magulang para naman mabigyan siya ng kahit kaunting payo lang. Sa tingin ko ay wala naman akong nagawang mali o bagay na ikagagalit niya. Iyong ayaw niyang makita kami ng tao na magkasama ay hindi ako pabor dahil bakit niya itatago kung totoo namang kami talaga.