Final Chapter KYLA NAPAKALAMIG ng Baguio City. Kasama naming bumyahe sina mama at papa, si Kuya Kiel at Savannah, ang dalawa nilang chikitings at si Patrick at Bea. Walo lang kaming nagpunta dahil ayaw sumama ni Lance. Hindi rin nakapunta si Macky at Kristine dahil may baby na naman sila. Kaya naman in-enjoy namin ang Crown Legacy Hotel na kung saan ay kasama sa aming napanalunan sa kissing game sa hospital. At dahil couple couple ang magkakasama ay magkaroom kami ng aking bebelabs, si mama at papa, ang mag-asawa at si Patrick at Bea. Hindi man mag-jowa ang huli pero wala silang choice kundi magkasama. Sampung araw kami sa Baguio at mayroon kaming nakatalagang itinerary. May limang destination kaming dapat mapuntahan. Ang Mines View, PMA, iyong tinatawag na Mansion, nagpunta rin kam