Chapter Twenty One SPG ALERT: Ang sumusunod na kabanata ay naglalaman ng maselang eksena na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18 pababa. KYLA HINDI ko alam pero pareho kaming nagmamadaling umakyat patungo sa kanyang silid. Isa lamang ang tumatakbo sa aking isipan. Na gusto ko kung ano ang mga bagay na nag-aabang sa aming dalawa sa kwartong iyon. Pagkasara pa lang niya ng pintuan ay pinuspos niya na ako ng halik sa labi. Hindi ko matagpuan ang tamang paraan kung paano gaganti kaya naman hinanap ko ang laylayan ng kanyang damit saka iyon agad na tinanggal sa pagitan n gaming halikan. Isinuksok ko ang aking mga daliri sa kanyang buhok habang ninanamnam ang matamis niyang labi na naghahatid sa akin ng kakaibang sensasyong ngayon ko lamang nadama. Pakiramdam ko ay nakalaya ako. Na