"What 2 million pesos?!" Gulat na bulalas niya nang ipaliwanag ng pulis sa kanya na nireklamo ang Mommy niya ng kumare nito, dahil sa malaking pagkakautang nito. "Mommy naman! Bakit niyo ginawa iyon? Saan niyo dinala ang pera?" Naiiyak na tanong niya sa ina. Kamakailan lang binayaran ni Marco ang perang iniadvance ng Mommy niya sa isang agency. Malaking halaga rin iyon. Noong isang araw tumawag ang Mommy niya sa kanya, para maghingi ng pera, nang bigyan niya tumawag ito muli para sabihing kulang ang pinadala niya kaya naman pinadalhan niya ito muli. At pagkatapos eto na naman problema na naman sa pera. Hindi pa nga niya nababayaran ang lahat ng pinagkakautangan nip niya nagdagdag pa ito at hindi biro ang halagang dalawang milyon. "Sikat ka diba, isa kang model may pera ka kaya bayaran m