Bago siya lumabas ng suite, makailang beses pa niyang sinuri ang sarili kung ok na ba ang suot niya. Sadya niyang pinaghandaan ang paghaharap nilang ito ni Marcus. Mamahaling dress na may pagka reaveling ang pinili niyang isuot. Isama pa ang mamahaling bag at syempre mga alahas na nakapulupot sa buong katawan niya. Malayong-malayo siya sa dating Amara na humaharap kay Marcus. "Amara, maganda ka na," biro pa sa kanya ni Lexie nang makita na naman siya nitong nakaharap sa salamin. Nilingon niya ang kaibigan at matamis ma ngumiti rito. "You look great, Amara. Tignan ko lang kung hindi mapanganga si Marcus sa iyo at matulala pag nakita ka," Lexie said to her. Lalo tuloy lumalim ang ngiti niya sa sinabi ng kaibigan. "Thanks," pasalamat niya. "Go girl! Do your sweet revenge,' maarteng sabi

