Kinabukasan pagmulat ng kanyang mga mata puting kisame ang nakita niya. Inikot ang mga mata sa buong puting silid, may nabasa siya na agad niyang nahulaan na nasa isang ospital siya. Kumilos siya para bumangon nang masagi ang isang kamay. Napalingon siya at nagulat pa siya nang makita si Marco na nakayuko sa kama niya habang nakapikit ang mga mata nito. "Marco," he whispered kasabay ang pagtulo ng kanyang luha. Natatandaan niyang nailigtas siya ni Marco sa kamay ni Ramon bago siya nawalan ng malay. Pinilit niyang huwag mapahagulgol ng iyak sa malupit na naranasan muli sa mga kamay ni Ramon. Napahagulgol pa rin siya kahit anong pilit niyang huwag umiyak para hindi magising si Marco. Tinakpan pa niya ang sarili bibig, pero huli na dahil nagising na si Marco. "Savannah," sambit nito sa pang