Inurong niya ang reklamo kay Ramon at Owie, dahil iyon ang gusto ni Savannah. Inalok niya kay Savannah ang New York para sana tumanggi ito at hayaan nitong siya ang magtuloy sa kaso ni Ramon, dahil gusto niyang makuha ni Savannah ang hustisya. Pangalawang beses nang nangyari ang pagtatangka ni Ramon kay Savannah, magkasunod lang ito, kaya dapat lang na mabulok na sa kulungan si Ramon. Iyon nga lang tinanggap ni Savannah ang alok niyang dalhin ito sa New York para gawing parausan. Wala siyang ano mang balak gawin kay Savannah nang labag sa kalooban nito. Hindi siya katulad ng mga lalaking pinagnanasahan lang ang katawan ni Savannah. Pumayag itong sumama sa kanya sa New York, ipapasyal na lang niya ang dalaga at nang makalimot ito saglit sa mapait nitong buhay, dahil sa napakawalang kwentang