"Nagbibiro ka lang Marco na dito ka matutulog right?" Savannah asked him habang sakay na sila sa elevator. "Nope," he answered. "As you can see, kasama mo na ko sa elevator. Kung uuwi ako di sana ako bumaba ng kotse," patuloy niya. "But, Marco, hindi ka basta na lang pwedeng matulog dito." "Why not? Nag stay ka rin naman ng ilang araw sa condo ko when you need someone to look after you,' he said. "Pero kase-" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil bumukas ang elevator, lumakad na sila palabas. Pansin niyang hindi ganoon ka luxury ang condo building na tinutuluyan ni Savannah, malayo sa luxury condo building niya. Malaki naman ang kinikita nito, kaya walang dudang kaya nito tumira sa mas luxury. "Marco sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin then, makakaalis ka na. Hindi ako nap