"Good afternoon po," magalang na bati ni Marcus sa mga magulang niya habang tila naman nakakita ng multo ang Nanay at Tatay niya kay Marcus. Titig na titig ang dalawa kay Marcus. "Hi, good afternoon po," magalang ring bati ni Marc na nakatayo sa tabi ni Marcus. Magkahawak pa nga ang kamay ng mag ama. Sabay na nalipat ang atensyon ng Nanay at Tatay niya kay Marc. Ngumiti si Marc sabay kaway pa sa mga ito. Napakunot noo naman ang mga magulang niya habang titig na titig kay Marc. "Amara," tawag ng Tatay niya sa kanya at nalipat sa kanya ang tingin nito. "May dapat ka bang ipaliwanag sa amin," seryosong sabi ng Tatay niya. Banayad siyang tumango sa ama. "Parang alam ko na ang ipapaliwanag niyo," sabi naman ng Nanay niya, saka ito humugot ng malalim na paghinga. "Pumasok po kayo Sir Ma

