Wala siyang idea kung bakit siya pinatawag ni Don Marcelo at nais daw siya nitong makausap. Ganoon pa man nagtungo siya pa rin siya sa asyenda para harapin ang Don. "Manang Hilda nais daw po akong makausap ni Don Marcelo?" Tanong niya kay Manang Hilda nang datnan ito sa likod bahay. "Oo yata. Sige na pumasok ka na sa loob itanong mo sa Ate Ikay mo kung nasaan ang Dn," tugon sa kanya ni Manang Hilda saka naman siya lumakad na papasok sa loob. Ginala pa niya ang paningin baka kasi makita niya si Marcus sa loob ng mansyon. "Amara nasa library si Don Marcelo hinihintay ka," sabi sa kanya ni Ikay nang makita siya. "Sige po salamat,'' pasalamat niya at tumuloy na sa loob patungo sa library kung saan daw siya hinihintay ng Don. Bigo siyang makita si Marcus sa loob ng mansyon. Naisip niyang

