"May kinalaman po ba kayo sa biglang pagkawala ni Amara lo?" Mariing tanong niya sa lolo, habang hindi nag-aalis ng tingin sa matanda. Hindi niya mapapatawad ang Don kung sakaling sinaktan nito si Amara dahil sa kanya. "Yes, Marcus," tugon ng Don sa kanya. "Hindi ko pwedeng i tolerate ang pagkikipagrelasyon mo sa isang katulog lamang Marcus! Isa kang Leonardo huwag mong kalimutan iyan!" Nanginginig sa galit na sabi ng lolo niya sa kanya. "Where is Amara?!" Malakas na sigaw niya sa Don. Wala na siyang pakialam pa sa sasabihin nito kay Amara, ang mahalaga malaman niya kung nasaan si Amara. "Wala na si Amara rito sa San Miguel, Marcus. Huwag ka nang umasa pa na magkikita pa kayo, hindi ko na hahayaang magkita pa kayo ng walang utang na loob na babaing iyon!" Sigaw ng Don sa kanya. "Ang

