"Bakit mo dinala ang babaing iyan sa restaurant na iyon, Marco?" Tanong sa kanya ni Hazel nang makapasok na sa unit niya si Savannah. "Magpapahinga na ko, Marco," Savannah said. "Huwag ka muna umalis, Savannah, dito ka muna at nang marinig mo ang mga sasabihin ko kay Marco about you," Hazel said to Savannah. Inikot na lang niya ang mga mata. Napipikon na siya sa hindi magandang pagtrato ni Hazel kay Savannah. "Sorry, Hazel I'm not interested," Savannah answered. "Really? Hindi mo man lang ba ipagtatanggol ang sarili mo sa mga sasabihin ko kay Marco. Well, kung sa bagay, lahat naman kasi ng sinasabi ko eh totoo kaya mahihirapan kang depensaan ang sarili mo," litanya pa ni Hazel. Napalingon siya kay Savannah na nag ikot ng mga mata at mariing pinikit iyon, nasa magandang mukha nito ang i