"P*nyeta!" Malakas na sigaw ang nagpamulat sa mga mata niya. Hindi pa nga niya nabubuksan ng maayos ang mga mata, sunud-sunod na malalakas na pagmumura pa ang narinig niya. Kahit mabigat pa ang ulo sinubukan niyang bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi pa nga niya maalala kung anong nangyari sa kanya at kung nasaan siya. Naupo siya sa kama at sinandal ang nanghihinang katawan sa headboard saka nilibot ang mga mata sa paligid. Unti-unti na niyang naaalala kung nasaan siya. Nasa hotel room siya sa VincElla Hotel kung saan siya tinatago ni Don Marcelo. Sa pagkakatanda niya nawalan siya ng malay, kanina. Marahil dahil sa dami ng kanyang iniisip na problema. Nasa silid niya si Don Marcelo ito ang sumisigaw at nagmumura habang kausap ang isang lalaking nakaputi. Kumunot ang noo niya habang

