Saktong pagdating ng breakfast na pinadeliver ni Marcus tapos na rin makipagusap si Marco at pumasok na sa loob. Hindi niya magawang tignan ang lalake sa mga mata, dahil sa nanyari sa kanila kagabi. Hindi naman niya sinasadya iyon, nadala lang din naman siya. Isa pa lasing si Marco, baka wala naman itong maalala, kaya relax na lang siya at huwag magpapahalata. "Kumain ka na Marcus, pagkatapos pwede ka nang umalis," pormal na sabi ni Marco sa kapatid nito. Hindi na siya nagulat pa sa inasal nito, lagi namang nais paalisin ni Marco si Marcus sa tuwing magkakasama sila. "Kung maaga ang meeting mo, pwede mo naman iwan si Savannah, ako na muna ang magbabantay sa kanya," Marcus said and looked at her. Hindi naman siya bata para bantayan pa ng mga ito. Pwede naman siyang hayaan na lang ng mg