"Marco! Bakit mo kasama ang babaing ito?" Mahina pero mariing tanong sa kanya ni Hazel nang bigla na lang itong sumulpot kung saan. Nanlalaki pa ang mga mata nito at mukhang galit habang pinaglilipat-lipat nito ang mga mata sa kanya at kay Savannah na nakaupo sa tapat niya. "Hi, Hazel," kaswal na bati niya para bawasan ang tensyon ni Hazel. Halata kasi sa mukh nito ang tense, walang dudang kasama nito si Francis. And doesn't care, hindi sila aalis ni Savannah roon kahit kasama pa ni Hazel si Francis, ok na rin iyon at makakaharap niya si Francis kasama si Savannah. "Marco! I'm with Francis, hindi dapat makita ni Francis ang babaing iyan!" Galit pa ring sabi nito at masamang tingin ang pinukol kay Savannah na tahimik sa kinauupuan, pero nakataas ang mukha nito. Nasa magandang mukha ni Sav