Nasa kalagitnaan ng kagubatan ang grupo nila Xenon, patuloy parin nilang hinahanap ang baliw na si Theddeous. "Hayop na yun, ilang oras na tayong nag hahanap!" Sabi ni Craven na kasama ni Xenon sa pag hahanap. "Wag ka nalang maingay at maghanap ka. Tumingin din kayo sa taas, baka nandyan lag sya at..." "AHHHHH!" "s**t! Ano yun?" "Anong nangyayari?" Dali daling nagpunta sila Xenon sa pinaggalingan ng boses. Nang makarating sila, nandiri sila sa nasaksihan dahil nakakita sila ng isang bangkay, wakwak ang dibdib at wala ng lamang loob. "Yaks!" "Tumigil ka nga sa kabaklaan mo Bren!" "Eh sa nandidiri ako eh!" "Tumahimik kayo at makiramdam!" Alam ni Xenon na malapit lang sakanila si Theddeous, nasisigurado nya na wala pang 50 metro ang layo nito "45 meters." Sabi ni Kyle na eksper