NICKAELLA Time check : 2:15 am Pasado alas dos ng naalipungatan ako, well pakiramdam ko kasi may buhat akong truck sa laki ng braso at paa na nakadantay sakin. Tama kayo si Xenon ginawa akong hotdog nya. "Xenon! Ang bigat mo." Sabi ko sakanya at inalis ko ang braso nya kaya napatihaya sya. Pagkatapos nun ay bumangon ako, kumuha ng bath robe at pumunta sa labas, plano kong magtimpla ng kape, if meron dito non. --- Kasalukuyan akong nandito sa engrandeng hagdanan ng mga Roccer ng may mapansin akong nakatitig sakin. Dumiretso ako sa paglalakad kaya lang napatigil ako ng may naramdaman akong humawak sakin, "Gusto mo na talagang mamatay ano?" "Xennyth?" "Kung gusto mong magpakamatay, sabihin mo sakin at ako ang kikitil ng buhay mo." Seryosong sabi ni Xennyth sakin, feeling ko kahit