XENON Hind ko maiwasang humanga sa asawa ko. Napakalakas nya at napakatapang nya. Natutuwa ako na lumabas na ang halimaw sa katawan nya. Noon pa man, ng makita kong lumuluha ang isa nya lang na mga mata, nagtaka na ako sakanya, kakaiba dahil kaya nyang kumawala sa aking hypnotismo. Doon nagsimula ang aking haka-haka na mayroong kumokontrol sa loob nya. Nagkaroon ako ng katibayan ng makita ko ang apoy sa mata nya noon, apoy yun ng reyna, ng itinakdang babae ng aming henerasyon na tatapos sa mga half vampire half wolf. Ang lahing yun ang may pinaka matatapang na puso at isipan, mga tuso din na kahit sariling mga kamag-anak ay kayang ilaglag mapasakanila lang ang kapangyarihan. "Wala akong alam? Nagpapatawa ka." Sya si Thed, ang aking kaibigan noon, na yun pala ay may maitim na balak sa