NICKAELLA Napakadaming bampira ang nasa likod namin. Nakakakaba pala ang pakikipaglaban. Nasa tapat na kami ng napakagarang gate ng palasyo sa tuktok ng bundok na ito. Dahil sa likod naman ako dumaan kanina ay hindi ko nakita ang kagaraan ng palasyong ito. "Parang magiging masaya to ah!" Ani ni Lex habang nakatingin sa mga kalaban namin na nasa harapan ng palasyo. "Oo nga eh, matagal na rin noong nakipaglaban tayo ng ubusan." Ani naman ni Craven at inakbayan si Kyle. "Wag kayong masyadong mayabang." Okey, si Kyle yun with his trademark poker face. Napatingin ako kay Xenon na kausap ang kanyang magulang. Seryosong seryoso ito at makikitaan ng determinasyon na makita at mailigtas ang anak namin. "Hindi parin ba lumalabas anak?" Huh? Bakit parang naririnig ko ang usapan ng mag-ina? "