NICKAELLA Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko agad si Xenon na nakatingin saakin. Walang sinag ng araw dahil nasa ilalim nga kami ng dagat pero maliwanag ang asul na tubig dahil narin sa sinag ng araw. "Goodmorning." Ngumiti ako bilang tugon sa bati nya. Nakatuon kasi ang ulo nya sa kamay at nakaharap sakin. Bumangon ako at sumandal sa headboard. Ganun na din ang ginawa nya tsaka ako niyakap palapit sakanya. "Xenon bumangon na tayo. Kakain pa tayo, baka mamaya hinahanap na nila tayo." Sabi ko. Baka kasi gising na ang anak ko. Lumayo ako sakanya tsaka hinila ang kumot na nakabalot samin. Tumalikod agad ako upang hindi makita ang kahubadan nya. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. Che! Hindi ka na makakaulit! Dinampot ko na lang ang mga damit na nakakalat sa sahig at nagbihis.