NICKAELLA Nagising ako dahil sa sakit ng likod ko. Minulat mulat ko ang mata ko at kinusot kusot. Asan ba ako? Teka? Napabalikwas ako ng makita ko kung nasan ako. Ba-bakit nandito ako? Asan ba ako? Ano bang nangyari sakin? Naglasing ka lang naman Yesha. Oo nga tama! Nilaklak ko yung wine na nakakalasing pala talaga? Kasalanan ko pa ba yun kung hindi ko naman alam na nakakalasing pala yun ng bigtime? Teka, asan si Darkus? Bwisit na yun! Sya ang may kasalanan eh! Bumangon ako sa pagkakahiga sa isang sofa. Nasan ba kasi ako? Pinagmasdan ko ang paligid. Red ang wallpaper ng dingding ng office ata ito, ewan parang office eh. May chandelier din at green ang mat na sound proof, yung tipong kahit takong hindi talaga tutunog dito. Madaming libro at walang bintana ang office na ito. Ikapito