NICKAELLA Hinihintay ko ang pag papakilala nitong bipolar nito bago nya ako ilipat sa bagong sasama sakin. "Crav (Creyv) ang pangalan ko. Salamat sa pakikinig sakin Miss, maaari kanang tumungo sa pangatlong pinto." "Ah, salamat. Kada ba pinto may sasama sakin upang gabayan ako? Atsaka di ba pwedeng laktawan?" kasi gabi na, exited na pati akong makita ang anak ko. Ngumiti ito "I don't have the rights to explain it to you Miss. Ang dapat nyo lang pong gawin sumunod." napakunot ang noo ko. Ano ba naman yan! "Tara na po, baka po magtaka na ang naghihintay sa pangatlong pinto." Nagsimula na kaming maglakad patungo sa ikatlong pinto. Medyo malayo layo yun at lumiko pa kami. Kaiba sa dalawang pintuan. Ang pintuan nito ay pinto talaga at hindi painting. Malaki ang pinto, pagbukas ng Crav