NICKAELLA "Anong..." Napalaki ang mata ko. Pa-paano? Ba't sya naandito? "Kamusta na Yesha Nickaella... Roccer?" Hindi maaaring matunton nila ako. "Kyle..." Bulalas ko, "Mama kilala mo po sya? Ang galing naman po! Kilala mo po kaibigan ko." Napatingin ako sa anak kong masayang nakangiti at nakatingin saming dalawa ni Kyle. "Matagal na rin kitang di nakikita. Mabuti at nakita kita, at ang anak natin." Napamulagat ako sa narinig. Anong anak ang sinasabi nya? "Anak po?" Napatingin ako sa anak ko. Anong palabas ba ito? Lumapit sya sa anak ko at lumuhod para magkapantay sila. "Ako ang papa mo." Napatingin ako kay Kyle na ngayon pala ay nakatingin sakin. "A-ano bang pinagsasasabi mo ha?" Hinila ko ang aking anak pagkatapos ay kinalong. "Tigilan mo ang pakikipaglaro mo Kyle! Ano bang problem