NICKAELLA "Wake up Yesha! Gumising ka na dyan at kumain... I know na napapagod ka na pero laban lang ha." Pagod? Oo pagod na ko pero ayaw kong sumuko, hindi pwedeng tanggapin ko nalang na hanggang ngayon ay nawawala pa sya. "Yesha..." Naramdaman ko nalang na umupo si Jesha sa tabi ko. Dito kase ako nakikitira ngayon sa apartment nya ngayon, baka daw kase pag walang nakakakita sakin ay baka magpakamatay daw ako. "Yesha, kailangan na nating pumunta sa prisinto." Isang buwan, isang buwan na ang nakakaraan ng mawala ang anak ko. Walang araw na hindi ko siya hinahanap. Walang araw na di ako umiiyak at halos mamatay sa kaiisip sa anak ko. Ano bang kailangan kong gawin para mahanap ko ang anak ko? Eh halos lahat ng alam ko ay nagawa ko na... "Yesha..." "Babangon na ako." Bumangon na ko at