NICKAELLA Pagkalabas ko ng restaurant ay agad akong pumara ng taxi. Nakita ko pang sumusunod sakin si Xenon pero wala akong pakialam. "Manong bilisan nyo po." Sabi ko, Agad namang tumango tango si manong driver at inistart na ang sasakyan. Pagkarating sa mansyon ay agad akong nagpunta sa kwarto ko. Agad kong hinalwat ang gamit at damit ko sa cabinet at nilagay sa maleta. "Oh nandi--- Babes anong ginagawa mo ha? San ka papunta?" --- LEX "Oh nandi--- Babes anong ginagawa mo ha? San ka papunta?" Napatingin ako sa nag iimpake na si Nickaella. Anong nangyari? Nalaman na nya? "Wala kang pakialam, mag sama kayo ng kaibigan nyong manloloko! Hindi ko kayo mapapatawad!" Nakakatakot, yan lang ang isang salitang bibitawan ko. Grabe, para syang mangangain. Tinitingnan ko lang syang mag impak