SA LOOB NG KULUNGAN
MALUNGKOT na pumasok si Tiago sa loob ng selda, medyo kinabahan pa siya sa simula dahil sa klase-klaseng tingin ang ipinukol ng mga bilanggo sa kaniya. Nang tanggalin ng police ang posas sa kaniyang kamay ay dahan-dahan siyang naglalakad sa kabilang sulok. Sapagkat doon lang ang nakita niyang bakante.
“Puwede ba akong umupo dito?” Mahinahon niyang paalam sa mga preso na kasalukuyan pa ring nakatitig sa kaniya.
Hindi nagsasalita ang mga ito, bagkus tumango lamang sila. Dahan-dahan siyang umupo na halos mapang-abot ang kaniyang tuhod at baba. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata upang pansamantalang ma-relax ang isip niya. Dahil sa sobrang pagod ay nakaidlip siya.
“Tiago—” sigaw ng kaniyang asawa, na halos manlisik ang mga mata sa galit.
Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niyang nakaluhod si Esmeralda at hawak ni Haruka ang buhok nito.
“Haruka! Bitiwan mo siya! Ako ang may atraso sa’yo, kaya ako na lang ang parusahan mo! Sa akin ka maghiganti at huwag kay Esmeralda!” Nagmamakaawa si Tiago at lumuhod ito.
Ngunit ngumisi lang si Haruka, at mas hinigpitan niya ang paghawak sa buhok ni Esmeralda. I want to kill her in front of you, because I want to see the suffering of your heart!” Itinutok niya ang dulo ng b@ril sa ulo ni Esmeralda.
Wala namang nagawa si Esmeralda kundi ang umiyak nang umiyak. Hindi na rin siya nagmamakaawa kay Haruka, sapagkat batid niya na magsayang lang siya ng laway.
“Esmeralda, patawarin mo ako, dahil sa akin nalagay ang buhay mo sa peligro,” halos paanas na sabi ni Tiago, at wala pa ring tigil ang pag-agos ng kaniyang mga luha.
"What can you say? Aren't you going to say goodbye to your Ninong Tiago? This is your last meeting," nakangising pahayag ni Haruka.
Subalit hindi natinag si Esmeralda at nagawa pa niyang gumiti upang asarin si Haruka,bago siya magsalita. "Why? Can't you accept in yourself that you gave everything to the man you love, but the truth is that he doesn't love you?" sarcastic niyang wika.
Dahil sa sinabi niya ay mas lalong nagalit si Haruka at agarang kinalabit ang gatilyo ng kaniyang baril.
“Esmeralda…” malakas na sigaw ni Tiago.
Dahil sa sigaw na iyon ay isang malakas na sipa ang dumapo sa tagiliran niya at agad siyang natumba.
“Okay ka lang?” seryoso na tanong ng lalaki na sumipa sa kaniya.
“Si Esmeralda? Nasaan siya?!” taranta niyang tanong at nagpalinga-linga sa paligid.
“Nanaginip ka lang. Pasensya ka na, kailangan kitang sipain para magising ka mula sa bangungot,” tugon ng lalaki. Inalalayan siyang makaupo at tumabi ito sa kaniya.
“Salamat sa malakas mong sipa. Akala ko totoo ang lahat,” wika niya. Sabay punas ng kaniyang mga pawis.
“Ako pala si Gregorio Salazar, Grego for short.” Sabay lahad ng kaniyang palad.
“Tiago…” simpleng tugon niya, at tinanggap ang palad bi Grego.
“Ano'ng kaso mo? Bakit ka, nakulong?” seryoso at kalmado na tanong nito.
“Patung-patong,” tanging turan ni Tiago, at yumuko ito.
“Naku! Kung gano'n mahirapan kang makalabas.” At tinitigan niya si Tiago na para itong kinilatis.
“Parang ganoon na nga,” malungkot na tugon nito. “Ikaw, matagal ka na ba dito?” balik tanong niya kay Grego.
“Uhm… mga dalawang buwan pa lang. Pero tulad mo, malabo na ring makalaya.” Biglang tumamlay ang ekspresyon ng mukha nito.
“Ano ba ang kaso mo?” muling tanong ni Tiago.
“Double count of murder,” tugon nito.
“Sino ba ang pinatay mo?” pagtataka na tanong niya.
“Asawa ko at ang lalaki niya.” Sabay yuko nito, sapagkat muling bumalik sa alaala niya ang kaganapan noon.
Napansin naman ni Tiago ang kalungkutan sa mukha ni Grego, kaya tinapik-tapik niya ang balikat nito.
“Bakit mo pa pinatay? Hiniwalayan mo na lang sana. Wala ka bang anak?” seryosong tanong ni Tiago.
“Kung puwede pa lang ibalik ang panahon, gugustuhin ko pang hiwalayan ang aking asawa. Hindi sana’y ako nawalay sa aking anak. Nabigla kasi ako noong mga oras na iyon. Biruin mo naman, sa loob pa mismo ng aming kuwarto sila nagbembang. At hindi lang iyon —-- sa harap pa mismo ng aking anak, na anim na taong gulang pa lang.” Hindi naiwasan ni Grego na pumatak ang mga luha niya.
Nasaktan rin si Tiago, nang marinig niya ang maikling kuwento ng bago niyang kaibigan. Hindi naman talaga masamang tao si Grego, isa siyang mabuting asawa at ama. Sadyang ang asawa nito ang naging marupok at natukso, sa mismong kapitbahay pa nila na itinuturing na kapatid ni Grego.
“Nasaan ngayon ang anak mo, pre? Sino ang nag-aalaga sa kaniya?” malungkot na tanong ni Tiago.
“Nasa nanay ko. Kaso mahirap din ang kalagayan ng aking ina. May sakit siya sa puso, at may kapatid pa akong PWD.” Mas lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ni Grego.
Hindi na muling nagtanong pa si Tiago, sapagkat napagtanto niya na mas lalo lang niyang ginising ang kirot na nararamdaman ni Grego.
“Ikaw, pre. Pamilyado ka bang tao?” tanong ni Grego.
“May-asawa ako, pre. Pero siya rin ang mortal kong kaaway. May minamahal akong babae, pero napunta siya sa karapat-dapat na lalaki.” Matalinghaga ang bawat salita na binitawan ni Tiago.
“Ano, pre? Hindi ko maintindihan ang sinabi mo,” naguguluhan na tanong ni Grego.
“Balang araw, malalaman at maintindihan mo rin ang totoong kuwento ng buhay ko,” tanging tugon niya rito. Sapagkat naisip niya na hindi pa ang tamang oras upang ikuwento niya ang buong storya ng buhay niya.
SAMANTALANG kasalukuyang hindi pa nagising si Esmeralda mula sa mahimbing nitong tulog. Subalit nasa tabi naman niya si Darwin at hawak-hawak ang palad niya. At maya-maya pa'y marahang umuungol si Esmeralda.
“Thanks God, at gising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo, love?” pag-alala na tanong niya rito.
“Okay na ang pakiramdam ko, love. Uhmm… kumusta ang baby?” seryoso na tanong ni Esmeralda.
“Huwag kang mag-alala, okay na okay ang baby natin. Matapang siya, mana sa mommy,” nakangiting turan nito, at sabay halik sa palad ni Esmeralda.
“Ano ang sabi ng doktor? Kailan daw ako makalabas?” kalmado na tanong ng buntis.
“Sabi ng doktor, anytime puwede na tayong lumabas,” turan niya.
Nang marinig ni Esmeralda ang turan ni Darwin ay agad niyang sinabi rito na gusto na niyang umuwi at sa bahay na magpagaling. Dahil iyong ang gusto ni Esmeralda ay aga niya itong sinang-ayunan. Lumabas sandali si Darwin upang bayaran ang kanilang bill. Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik na si Darwin. Hanggang sa tuluyan na silang lumabas ng hospital. Sobra ang pag-iingat ni Darwin, habang papalabas sila, sapagkat ayaw niyang muling mapahamak ang babaeng kaisa-isang niyang minahal.