CHAPTER 18 Smile's Point of View "HA? Ano bang sinasabi mo?" Nanginginig na sabi ko kay Kion. Imbes na sagutin ako ay tumingin siya sa mama at papa niya. "Ma, pa. Sino siya? Sino sila?" Turo niya sa akin at kila mama at papa. Ano bang mga pinagsasabi nitong si Kion? Hindi niya kami kilala? "Anak..." narinig kong tanging sinabi ni mama Vina. "Kion naman eh! Ano bang mga sinasabi mo? Ako 'to oh! Si Smile, ang asawa mo! Sila 'yung mga magulang ko oh! Paanong hindi mo kami nakikilala?" Takang-taka naman itong tumingin sa akin. "Ha? As far as I remember, wala akong asawa at hind ko talaga kayo nakilala! 'Wag niyo nga akong lokohin!" A-ano? "Ikaw ang 'wag manloko sa amin! Kion naman eh! Magkakaanak na tayo tyaka kapa magkakaganyan? Please naman oh. Nasasaktan ako." Hinawakan ko siya sa