When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
“EVO, bakit ba kailangan mo pa akong isama sa kakainan mo? I told you, diet ako ngayon,” giit pa ni Aniah sa binata. “Diet?” gagad pa ni Evo sa sinabi ni Aniah. Bahagya pa siya nitong nilingon bago ibinalik ang tingin sa daan. “Kailan ka nag-start mag-diet? Kahapon nang tanghali? Nakadalawang mangkok ka pa nga ng lugaw kahapon ng umaga. Imposibleng diet ka sa lagay na ‘yon. Isa pa, kulang na lang ay pangdalawahang tao ang kain mo sa lunch break.” Napakurap-kurap si Aniah. Pati ba naman iyon ay napansin ni Evo? Lihim siyang napalunok. Mukhang wala ring balak si Evo na bitiwan ang kaniyang kamay. Nang pagmasdan niya ito, wala rin siyang nakitang hawak nito na bag na posibleng kinalalagyan ng maluto nito. “Wala ka bang dalang lunch mo?” usisa pa niya. “Wala.” Nagkataon lang ba iyon? Hu